^

Police Metro

Bro. Eddie kinondena ang pag-ambush kay Mrs. Guingona

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinondena kahapon ni Bangon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva ang naganap na pag-ambush ng mga rebeldeng New People’s Army sa grupo ni Gongo­og, Misamis Oriental Ma­yor Ruthie De Lara Guingona,78 na nasugatan sa  insidente habang nasawi ang dalawang escort nito at pagkasugat ng dalawang iba pa.

Sa pagdalaw ni Villa­nue­va sa Mindanao ay binisita nito si Mrs.Guin­­gona sa ospital at pi­nagdasal ang mabilis na paggaling nito dahil sa tinamong tama ng bala sa paa’t kamay.

Si Mayor Guingona ay asawa ni dating vice president Teofisto Guingona Jr., at nanay ni Sen. Teofisto “TG” Guingona III.

Ayon sa mga doktor na nasa ligtas nang kalagayan si Mayor Guingona na hindi na kumandidato bagkus ang anak nitong babae na si Marie ang kandidato sa pagka- Gingoog Mayor.

Samantala, iginiit ka­hapon ni dating Vice-President Guingona Jr. na hindi nila matatanggap ang paghingi ng patawad ng National Democratic Front (NDF) matapos tambangan ang kanyang maybahay.

Hindi umano nila ma­tatanggap ang apology ni NDF-Mindanao spokesman Jorge Madlos alyas Ka Oris matapos ang ginawang pananambang ng NPA sa sasakyan ng kanyang asawa noong Sabado ng gabi sa boun­dary ng Barangay Kapitulangan at Binakalan sa Gingoog City na ikinasawi ng dri­ver at staff nitong sina Bartolome Velasco at Nestor Velasco habang nasagutan naman ang 2 police escorts nito.

BANGON PILIPINAS

BARANGAY KAPITULANGAN

BARTOLOME VELASCO

EDDIE VILLANUEVA

GINGOOG CITY

GINGOOG MAYOR

JORGE MADLOS

KA ORIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with