^

Police Metro

Pulis, misis niratrat sa bahay, patay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pulis, misis niratrat sa bahay, patay
Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina P/Captain Aminoden Sanchez Mangonday, 40; at Grace Ramirez Mangonday, 40. Habang ang anak nilang si alyas “Shasmeen”, 12-anyos ay nakaratay sa ospital.
STAR/ File

12-anyos anak kritika

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang pulis at misis nito habang kritikal ang kondisyon ng 12-anyos na anak matapos na sila ay pagbabarilin ng isang suspek na pumasok sa kanilang bahay sa Alabang, Muntinlupa City, kahapon ng mada­ling araw.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina P/Captain Aminoden Sanchez Mangonday, 40; at Grace Ramirez Mangonday, 40. Habang ang anak nilang si alyas “Shasmeen”, 12-anyos ay nakaratay sa ospital.

Sa inisyal na ulat ng Muntinlupa City Police Station, bago naganap ang krimen, ala-1:10 ng madaling araw sa loob ng bahay ng mag-asawa na matatagpuan sa Blk. 7, Lot 4, Tierra Villas, L&B 2 Ilaya St., Alabang.

Sa imbestigasyon, natutulog sa sofa bed sa ikalawang palapag si Capt. Mangonday  nang pasukin ng suspek at binaril sa ulo, kasunod ay pinasok naman ang kuwarto nila  kung saan ay natutulog si  Mary Grace at binaril din ng mara­ming beses sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Dahil sa narinig na magkakasunod na putok ay lumabas ng kaniyang kuwarto si Shasmeen na nakakita sa suspek at binaril ito sa mukha.

Lumalabas na isa lang ang suspek na inilarawang nasa 5’9 ang taas, nakasuot ng itim na jacket at itim na pantalon, mahaba ang buhok, na armado ng baril.

Nailibing na rin kahapon ang bangkay ng mag-asawa sa Blue Mosque, Maharlika Village sa Taguig City dahil sa tradisyunal na paglili­bing bilang Islam.

Nabatid na si Capt. Mangonday ay Philippine National Police Academy Batch 2019 Class Huwarang Lipi at kasalukuyang nasa schooling ng Investigation Officers Basic Course (IOBC) na malapit na sanang matapos.

vuukle comment

MANGONDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with