^

Police Metro

4 na obrero nalibing sa gumuhong basura

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na obrero ang nalibing ng buhay sa tambak ng mga basura matapos na gumuho ang pribadong sanitary landfill sa Rodriguez, Rizal nitong Biyernes  ng hapon.

Habang sinusulat ang balitang ito ay pinaghaha­nap pa mula sa gumuhong basura sina Pablito Esto, Rodivico Ohod, Eddie Malano at Gary Balahibo.

Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, nabatid na dakong alas-3:45 ng hapon ng maganap ang pagguho ng  sanitary landfill sa Brgy. Isidro, Rodriguez, Rizal.

Agad namang nagres­pon­de sa lugar ang search and rescue team upang hanapin ang mga nawa­walang biktima na pina­ngangambahang nasawi sa insidente.

Nagawa namang ma­­ka­ligtas ang ilan sa ka­sa­ma­han ng apat na siyang nag-­report ng insidente sa mga awtoridad.

Noong Biyernes ng gabi ay pansamantalang inihinto ang search and res­cue operations dahil sa banta ng panibagong pagguho ng basura at muling itinuloy noong Sabado ng alas-5:00 ng umaga.

 

EDDIE MALANO

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

GARY BALAHIBO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NOONG BIYERNES

PABLITO ESTO

RIZAL

RODIVICO OHOD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with