^

Police Metro

Pinas tinawag na ‘gambling republic’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Tinawag na ‘gambling republic’ ang Pilipinas ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz dahil sa umano’y pat uloy na pangungunsinti ng Pangulong Benigno Aquino III at mga opisyal nito sa illegal na sugal gaya ng jueteng.

Ayon kay Cruz, mahirap intindihin ang daang matuwid na isinusulong ng Administrasyong Aquino gayun ang baluk­tot at illegal na sugal ay kanyang pinahihintulutan.

Iginiit ni Cruz na mahirap suwagin ang PCSO at PAGCOR dahil ito ay mga government-owned and controlled corporation na nakadirekta at kontrolado ng Office of the President.

Tinukoy ni Cruz ang paglaan ng pamahalaan ng P1.8 bilyon na paper deal para sa slot machine.

Ipinagtataka ni Cruz na nagpopondo ang gobyerno sa mga bagay na nakatuon sa sugal ga­yong hindi nito pinirmahan ang Magna Carta for the Poor dahil sa sinasabing kawalan ng pondo.

Sinabi pa ni Cruz, base umano sa kanyang mga impormasyon ay lalo ngayon lumakas ang su­gal na jueteng sa ibat-ibang panig ng bansa dahil sa nalalapit na election para ponduhan ang mga kumakandidatong pulitiko.

 

ADMINISTRASYONG AQUINO

AYON

CRUZ

IGINIIT

IPINAGTATAKA

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

MAGNA CARTA

OFFICE OF THE PRESIDENT

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with