^

Police Metro

Sens. Miriam at Kiko kumampi… PNoy tiwala pa rin kay Biazon

Butch Que­jada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki pa rin ang tiwala ni Pangulong Noynoy Aqui­­no kay Customs Com­missioner Ruffy Biazon at hindi niya inisip na sibakin ito sa puwesto.

Ito ang sinabi ni Pa­ngu­long Aquino sa isang pa­nayam sa Roxas City Air­port, Roxas City, Capiz kamakailan at malaki ang kumpiyansa nito sa kre­dibilidad at kakayahan ni Biazon sa pamumuno sa BoC na kayang lutasin ang  matagal nang problema sa smuggling ng gobyerno.

Samantala, nakakuha rin ng kakampi si Biazon sa katauhan nina Senators Miriam Defensor-Santiago at Francis Pangilinan nang ipahayag ng mga ito na hindi sila pabor na sibakin ito sa puwesto.

Anila, mas lalu pang lalala ang smuggling sa bansa sa oras na magta­gum­pay ang panawagan ng ilang mga naiingit na kritiko na magbitiw sa pu­westo si Biazon.

Naniniwala si Santiago na may nasagasaang ma­im­pluwensi­­yang tao si Bia­zon sa ipinatutupad niyang reporma sa ahensiya kaya’t lumutang ang sinasabing oil smuggling na noon pa man ay namamayagpag na bago pa man maitalaga ni Pangulong Aquino sa puwesto si Biazon.

Idinagdag pa ni San­tiago ang kanyang naging karanasan sa kawanihan kung saan kinakailangang gumugol siya ng isa hang­gang dalawang taon upang matutuhan at maging pa­mil­yar sa kanyang tung­ku­lin.

Ayon naman kay Bia­zon na tukoy na rin niya ang grupong naninira sa kanyang pamumuno at bi­nanggit pa ang isang may inisyal na letrang “G” na nais sumulot sa kan­yang puwesto.

 

BIA

BIAZON

CUSTOMS COM

FRANCIS PANGILINAN

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUI

ROXAS CITY

ROXAS CITY AIR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with