Evacuation advisory ng NoKor, ipinalabas
MANILA, Philippines - Nagpalabas kahapon ng advisory ang North Korea (Nokor) na nag-aatas sa mga foreign embassies na lumikas dahil sa nakaambang all-out nuclear war sa Korean Peninsula.
Sinasabi sa abiso ng Nokor, pinalilikas na ang mga dayuhang dipÂlomats at embassy staffs dahil hindi umano masisiguro ng Nokor ang kanilang seguridad sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng Pyongyang at ng South Korea na susuportahan ng Estados Unidos.
Sinabi ng Nokor na hindi nila maiga-garantiya ang kaligtasan ng foÂreign diplomats sa anumang magaganap na nuclear conflict.
Dahil dito, agarang nagpulong ang mga foÂreign envoy na nakabase sa Pyongyang hinggil sa nasabing evacuation advisory ng Nokor na laÂlong nagpapataas ng tensyon sa nasabing rehiÂyon.
Nagkarga na ang Nokor ng missile sa kanilang mobile launchers bilang paghahanda sa missile launching na posibleng ipatama sa South Korea at sa tinatarget na military bases ng US sa Guam.
- Latest