^

Police Metro

2nd MPDPC medical mission, isasagawa ngayon

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isasagawa ngayon umaga ang 2nd Manila Police District Press Corps (MPDPC) medical and dental mission sa MPD headquarters, UN Avenue, Ermita, Maynila.

Ang mga mahihirap na residente ng apat na barangay na nakapaligid sa MPD headquarters ang prayoridad na bigyan ng atensiyong medical, gayundin ang pamilya ng mga pulis Maynila, miyembro ng MPDPC at mga photo­grapher sa Luneta.

May temang “Tulong Muna Bago Balita”  ang naturang proyekto na inorganisa ng mga opisyal ng MPDPC sa pangunguna ni President Bening Batuigas sa tulong at patnubay ng pamunuan ng UNTV sa pangunguna ni Kuyang Daniel Razon at Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan. 

Unang inilunsad ang proyekto noong 2011 kung saan ay mahigit sa 2,000 katao ang na­bigyan ng serbisyong medical na inaasahang mas marami ngayon.

Ang proyekto ay ba­hagi ng Golden Anniversary ng MPDPC sa darating na buwan ng Hunyo.

Ang MPDPC ang pinaka-maraming mi­yembro sa lahat ng press corps sa buong bansa na bukas sa loob ng 24 oras.

Nakatakda ring magsagawa ng blood letting sa darating na araw ang MPDPC sa tulong na rin ng Philippine National Red Cross upang may magamit ang pamilya ng isang miyembro na mangangailangan ng dugo.

 

ANG DATING DAAN

ELI SORIANO

GOLDEN ANNIVERSARY

KUYANG DANIEL RAZON

MANILA POLICE DISTRICT PRESS CORPS

MAYNILA

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

PRESIDENT BENING BATUIGAS

TULONG MUNA BAGO BALITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with