^

Police Metro

2 bata nalunod sa ilog

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Babala sa mga magulang, bantayan ang inyong mga anak sa pagsu-swimming lalo na ngayong panahon ng bakasyon.

Ito ang naging pana­wagan ng mga otoridad matapos dalawang bata ang namatay matapos na malunod sa isang ilog kamakalawa sa Antipolo City, lalawigan ng Rizal.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Rolando Lakandula, 9, at Vince Cal­vin Lupo, 9, kapwa residente ng Sitio Majayjay, Barangay Munting Dilaw, Antipolo City.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-10:20 ng uma­ga nang mamataang tumalon ang dalawang bata sa malalim na bahagi ng Sala river, subalit hindi na lumutang ang mga ito.

Sa salaysay ng isang residente sa lugar na si Rod­rigo Dural, 54, na bago naganap ang insidente ay nakita niya ang dalawa na naglalakad patungo sa nasabing ilog bago magkasabay na tumalon upang maligo dahil sa mainit na panahon.

Nang mapansing hindi na lumutang ang dalawa ay kaagad nang humingi ng tulong ang mga residente sa mga otoridad.

Unang narekober ng mga divers ang katawan ni Lakandula at agad na isinugod sa Camillan Sister’s Polymedic, su­balit patay na ito habang si Lupo ay narekober naman pagkalipas ng ilang oras at hindi na rin
uma­bot ng buhay sa paga­mutan.

Ilan sa mga residente ang nagsabi na pinagbabawalan na nilang maligo ang mga bata sa nasabing ilog dahil delikado at may balita na pinamamahayan ng engkanto ang naturang ilog.

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY POLICE

BARANGAY MUNTING DILAW

CAMILLAN SISTER

LUPO

ROLANDO LAKANDULA

SHY

SITIO MAJAYJAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with