^

Police Metro

Binata swak sa butas, dedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang binata makaraang mahulog sa butas ng isang kuweba at dumiretso sa malalim na bangin habang nanghuhuli ng paniki sa bayan ng Ta­buelan, Cebu, kamakalawa ng umaga.

Dead-on-arrival sa hospital ang biktimang si Bryan Ere, 16, residente ng Brgy. Cantubon, matapos na tumama ang ulo nito sa isang mala­king bato.

Sa ulat ng Cebu Police, naganap ang insidente  dakong alas-5:00 ng umaga sa kuweba ng Himaroto sa pagitan ng Barangay Cantubon at Brgy. Canlu­ngahon sa kagubatan ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang bik­tima ay kasama ang ama nitong si Elmer at tiyuhing si Roldan Caballero  ay nangha-hanting ng mga paniki gamit ang flashlights sa kuweba ng mangyari ang insidente.

Abala umano ang biktima sa paghahanap ng paniki sa loob ng madilim na kuweba kaya hindi nito napansin ang butas kung saan tuluy-tuloy itong nahulog sa may 200 metrong bangin sa lugar.

Humingi naman ng tulong ang ama ng biktima sa search and rescue team at tumagal ng halos sampung oras bago natunton at naiahon ang bangkay ng biktima.

Ayon sa report, madalas manghuli ng paniki sa naturang kuweba ang pamilya ng biktima na kanilang inuulam.

vuukle comment

ABALA

AYON

BARANGAY CANTUBON

BRGY

BRYAN ERE

CANLU

CANTUBON

CEBU POLICE

ROLDAN CABALLERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with