Pagbomba sa department store nasilat
MANILA, Philippines -Naging maagap ang mga otoridad sa posibleng pamÂbobomba matapos na ito ay kanilang masilat nang marekober ang isang malaÂkas na improvised explosive device (IED) na ipinahatid sa isang tricycle driver sa isang department store sa Poblacion ng Isulan, Sultan Kudarat kamakalawa.
Sa ulat ng Isulan PoliÂce, bandang alas-11:55 ng umaga nang marekober ang pampasabog na inilagay sa ilalim ng pangkargang gulay na inabandona sa kulay asul na tricycle 3797 MV na minamaneho ni Jokarno Abas.
Sa pahayag ni Abas sa mga imbestigador, inutusan umano siya ng kaniyang pasaherong hindi nakilaÂlang lalaki na ihatid ang baÂgahe ng gulay sa isang department store malapit sa national highway ng Poblacion ng bayang ito.
Naghintay ang driver ng mahigit 30 minuto at ng hindi dumarating ang kaÂniyang pasahero ay napilitan itong dumulog sa himpilan ng pulisya kung saan nang suriin ang bagahe ay natuklasang may bomba sa ilalim nito.
Agad namang nai-diffuse ng mga nagrespondeng Explosives and Ordinance (EOD) team ng pulisya ang bomba na gawa sa dalawang 60 MM mortar na ginamitan ng cellphone bilang triggering device bago pa man ito sumabog.
Pinaniniwalaan namang pangingikil sa nasabing department store ang motibo ng nasilat na pagpapasabog.
- Latest