Niratrat habang nakatalikod... pulis wagi sa suntukan, niresbakan ng bala
MANILA, Philippines - Nagwagi man ang isang pulis sa paÂkikipagsuntukan sa kanyang kaaway na kaÂpitbahay, niresbakan naman siya nang pagÂbabarilin habang nakatalikod naganap kamaÂkalawa sa Brgy. Poblacion, Sibagat, Agusan del Sur.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si SPO3 George Galdiano, miyembro ng Butuan City Police, naninirarahan sa Purok 8-A, Poblacion Sibagat ng lalawigan.
Nasugatan din sa insidente matapos tamaan ng ligaw na bala ang byÂstander na si Nueve BaÂniada, nasa hustong gulang na dinala na sa DO Memorial Hospital sa Prosperidad, Agusan del Sur.
Boluntaryo namang sumuko ang suspek na si Giljean Villanueva, residente ng Purok 14, Poblacion, Sibagat na kaalitan ng pulis sa pinag-aagawan nilang lupain sa kanilang lugar.
Sa ulat na natanggap ni CARAGA Spokesman Supt. Martin Gamba, dakong alas-9:30 ng umaga ay nagkaroon ng komprontasyon ang suspek at biktima sa isyu ng kontrata sa pinag-aagawan nilang lupain sa Purok 14, Brgy.Poblacion, Sibagat ng nasabing lalawigan.
Nagsuntukan ang suspek at biktima na kung saan ay natalo ang una.
Inakala ng biktima na tapos na ang kanilang suntukan kung kaya’t tinalikuran nito ang suspek subalit, bumunot ito ng baril at piÂnagbabaril ang una.
Matapos ang insidente ay boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang suspek bitbit ang 9 MM beretta pistol nito na ginamit nito sa pagpatay.
- Latest