300% RPT hike sa Parañaque, hindi totoo
MANILA, Philippines - Hindi umano totoo na magkakaroon ng pagtaas na 300 percent na singil sa Real Property Tax (RPT) sa Parañaque City. Ayon Dean Calleja, tagapag-balita ng Parañaque City, anim hanggang 20 porsyento lamang ang itinaas ng RPT at depende pa ito sa sukat at lokasyon ng mga lupa. Pinahihintulutan din umano ang naturang RPT increase ng Department of the Interior and Local Government at Department of Finance. “This is the only proposal to increase real property taxes in Parañaque since 1997, at mas mababa ang RPT increase sa Parañaque kumpara sa mga kalapit-lungsod natin,†ani Calleja.
Noong 2002, itinaas ng Pasay City ang kanilang RPT taxes ng 45 percent.
Sa Muntinlupa City ay 60 hanggang 200 percent ang itinaas ng RPT habang 60 percent naman sa Las Piñas City.
Sinabi pa ng opisyal na bilang patunay na wala namang nabago sa sinisingil ng Parañaque City Government sa RPT ay puwedeng ikumpara ng mga mamamayan ng lungsod ang kanilang binayarang RPT noon at ngayon.
- Latest