Ibinalya ng alon… Bangka tumaob: 4 lunod
MANILA, Philippines - Isang bangkang de motor ang binalya nang maÂlakas na alon kaya’t tumaob ito na ikinasawi ng 4 katao habang 22 ang nailigtas na naganap sa karagatan ng Bacacay, Albay kamakalawa ng hapon.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Diego Crisol, kapitan ng bangka; Chechin Espinisin, Jeffrey Base at isa pang hindi matukoy ang pagkakakilanlan.
Batay sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon ay naglalayag ang bangka na may lulang 26 pasahero sa karagatan na sakop ng Brgy. Igang nang masiÂraan ito ng makina hanggang sa balyahin ito ng malakas na alon.
Nagsipagpanik ang mga pasahero matapos na madiskaril ang sinakyan ng mga itong bangka na tuluÂyang tumaob sa insidente.
Mabilis na nakaresÂponde sa lugar ang pinagÂsanib na element ng PhiÂlippine Coast Guard at Philippine Navy at nasagip ang 22 katao na karamihan ay mga guro na isinugod sa Bicol RegioÂnal Training and Teaching Hospital.
- Latest