^

Police Metro

Reporter niratrat ng riding-in-tandem

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kon­dis­yon ang isang tabloid reporter matapos na pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem kahapon ng umaga sa Brgy. Mambog, Bacoor City, Cavite.

Ang biktima na kasalukuyang nakaratay sa ospital ay kinilalang si Jun Valdecantos, freelancer sa iba’t ibang tabloid na nakatalaga sa lalawigan ng Cavite.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-9:20 ng umaga ay nasa labas ang biktima na hindi kalayuan sa bahay nito nang bigla na lamang sumulpot sa lugar ang dalawang armadong lalaki na nakasuot ng kulay itim na jacket at magkaangkas sa motorsiklo pinagbabaril ang biktima.

Mabilis na nagsitakas matapos na pagbabarilin ang biktima na agad isinugod sa pagamutan kung saan nasa malubha itong kalagayan.

Ilang residente ang nag­sabi na bago ang pa­ma­maril ay nakita nila ang mga suspek na nagpapaikot-ikot sa lugar na tila may inaabangan.

Ayon sa pulisya na posibleng may kaugnayan sa trabaho ang motibo ng pamamaril kay Valdecantos na umano ay bumabanat sa mga pulitiko sa Cavite.

 

AYON

BACOOR CITY

BRGY

CAVITE

ILANG

JUN VALDECANTOS

MABILIS

MAMBOG

VALDECANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with