Ayaw magbayad ng utang pinatay
MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ng isang obrero gamit ang screwdriver ang kasamahan sa trabaho dahil sa ayaw itong magbayad ng utang na pera sa kanya sa loob ng kanilang barracks kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Ang nasawi ay nakilaÂlang si Jose Maramag, 20, ng Block 1, Lot 7 Timog, Balagbag, Barrio Brgy. 201 ng naturang lungsod. Habang ang suspek na tumakas ay nakilalang si Francisco Macunat, 52.
Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang komprontahin ng suspek si Maramag at singilin ang utang nito.
Subalit ayaw umano nitong magbayad ng utang na humantong sa mainitang pagtatalo, hanggang sa nakakuha ng screwdriver ang suspek at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang biktima.
- Latest