^

Police Metro

Sinisi ng mga senador… Alcala nagoyo ng pekeng NGO

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinisi kahapon ni Se­nate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kaugnay sa ulat na nagamit ang pondo niya at nina Sena­te President Juan Ponce Enrile at Senator Ramon Bong Revilla Jr. sa mga pekeng non-government organization (NGO) ng Department of Agriculture na pinamumunuan ni Sec. Proceso Alcala.

Ayon kay Estrada nagtiwala sila sa DA na totoong NGO ang pinag­laanan nila ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) matapos itong magbigay ng sertipikasyon.

Inamin ni Estrada na nagagalit siya dahil hindi pala nakarating sa mga magsasaka ang pondo na dapat gamitin sa kanilang pagsasaka.

Lumabas sa isang pa­­hayag ang report ng Com­mission Audit (COA) na tatlong senador ang naglaan ng pondo na uma­abot sa P195 milyon sa mga kuwestiyonableng NGO noong 2011.

Kasama rin umano sa naglaan ng pondo sa pekeng NGO si dating  Buhay party-list Rep. Rene Velarde na umabot sa P206 milyon.

Pagpapaliwanagin ni Revilla ang DA kung paano nakalusot ang kuwestiyonableng NGO na Pangkabuhayan Foundation Inc. (PFI).

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

PANGKABUHAYAN FOUNDATION INC

PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY ESTRADA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

PROCESO ALCALA

RENE VELARDE

SENATOR RAMON BONG REVILLA JR.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with