Riding-in-trio todas sa C-5
MANILA, Philippines - Dead-on-the spot ang dalawang laÂlaki habang naÂmatay sa ospital ang isa pa nilang kasama matapos ang motorsiklo na kanilang sinasakyan na bumabagtas sa C-5 Road ay nawalan ng kontrol at bumangga sa isang taxi kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rey Mark Pontay, driver ng motorsiklo at ang dalaÂwang angkas na sina Daryl Ramirez at Aldrin Visbal, pawang mga nasa hustong gulang.
Batay sa ulat ng puÂlisya, dakong alas-12:10 ng madaling-araw ay lulan ang mga biktima ng isang Kawasaki motorcycle (6064-OC) at mabilis na binabagtas ang C5 Southbound lane sa Brgy. Bagong Ilog, Pasig buhat sa Makati City.
Pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada paÂakÂyat ng flyover ay nag-overtake ito sa unang saÂsakyan dahilan upang naÂwalan ng kontrol sa manibela si Pontay kaya’t nagpagewang-geÂwang ito hanggang sa suÂmampa sa center island at pumakabilang linya ng kalsada na kung saan ay parating ang isang Toyota Vios (TXU-971) na taxi na minamaneho ni Michael Ugpay, 24-anyos, ng no. 55 Lancer St., Briston Village, Camarin, Caloocan City at nasalpok ang motorsiklo.
Sa lakas ng pagkakaÂbangga, tumilapon ang tatlong biktima sanhi ng agad na kamatayan ng dalawa sa mga ito haÂbang ang isa ay nasawi haÂbang isinusugod sa Rizal Medical Center.
Sumuko sa mga otoÂridad si Ugpay na isiÂnaÂsaÂilalim sa imbesÂtiÂgasyon at poÂsibleng maÂsampahan ng kasong multiple hoÂmiÂcide resulÂting to reckÂless imÂpruÂdence.
Ayon sa pulisya na nakainom ang mga nasawi na pawang walang icc sticker ang mga suot na helmet.
- Latest