Nanapak ng MMDA enforcer nagpiyansa
MANILA, Philippines - Upang makaiwas sa pag-aresto ay naglagak kahapon ng piyansang P24,000 ang tobacco firm executive na si Robert Blair Carabuena kaugnay ng kasong pananapak sa MMDA enforcer para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Magugunita na nagpalabas ng arrest warrant si MeÂtropolitan Trial Court Branch 42 Judge Juris Dilinila-Callanta laban kay Carabuena na ang unang piyansa ay P12,000 ay naging P24,000 matapos itong mabigong dumalo sa itinakdang hearing sa kaso noong Pebrero 7.
Ang pagpipiyansa ni Carabuena ay ginawa matapos isnabin din ang mosyon ng kampo nito na humihiling na pawalang bisa ang kanyang warrant of arrest dahil kaya hindi nakadalo sa hearing ay dahil sa sakit na gastroenteritis.
Si Carabuena ay kinasuhan ni MMDA Traffic Constable Saturnino Fabros ng direct assault charges on a person of authority makaraang sapakin ito nang sitahin sa traffic violation noong nakalipas na taon.
- Latest