Assets ng may-ari ng Aman naka-freeze na
MANILA, Philippines - Inihayag ni Justice Secretary Leila De Lima na nasa freeze order na ang mga asset o pag-aari ng may-ari ng Aman Futures na si Manuel Amalilio sa Malaysia na tinuturong utak sa P12-B pyramiding scam.
Ayon kay De Lima, na ang pag-freeze sa assets ni Amalilio ay isa sa mga positibong deÂvelopment makaraan ang pakikiÂpag-usap ng Pilipinas sa mga otoridad sa Malaysia partikular na kay Attorney General Tan Sri Gani Patail.
Ayon kay De Lima, na si Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar ang kumatawan sa Pilipinas sa nasabing pag-uusap katuwang si Ambassador Eduardo Malaya na ang pagpupulong ay naganap noong Pebrero 6 sa Kuala Lumpur kung saan agad na iniutos ng attorney general ng Malaysia ang pagsasailalim sa freeze order ng mga asset ni Amalilio.
Napag-usapan din sa nasabing pagpupulong na maÂaring maibalik sa Pilipinas si Amalilio kahit hindi pa nito nabubuno nang buo ang dalawang taong pagkabilanggo na ipinataw sa kanya ng mga otoridad sa Malaysia.
- Latest