Koreano at Pinoy hacker dinakip
MANILA, Philippines - Inaresto kahapon ng operatiba ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang isang Korean national at kasamang Pinoy na pawang miyembro ng sindikato ng mga hacker sa Pilipinas.
Ang mga suspek na nadakip ay kinilalang sina Yooun Nayong, 37, Korean national, pansaÂmantalang nakatira sa Unit 202 Regina Heights Place #385 M. Vicente, Boni Ave., Mandaluyong City at Carlo Dadulla, 21, residente ng B-63 NIA Road, Barangay Piñahan, Quezon City.
Pinaghahanap naman ang apat pang mga suspek na, ang isa dito ay nakilala sa “alias Kim†at isa pang Korean national.
Ang mga suspek ay inaÂresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Malabon City Regional Trial Court Judge Zaldy Docena, ng Branch 170 dahil sangkot ang mga ito sa illegal na paggamit ng Globe Telecommunication system na nagresulta sa malaking pagkalugi ng kompanya.
Nakumpiska sa mga suspek ang may 444 piÂraso ng Globe Telecom SIM cards, 100 piraso ng Touch Mobile prepaid sim card, isang unit ng GSM modem na may 124 sim ports at iba’t ibang uri ng gamit pang-telekomunikasyon.
Sangkot ang mga suspek sa paggamit ng telekomunikasyon ng Globe upang makatawag palabas ng bansa na nagresulta sa pagkalugi ng kompanya ng P3.4 milyong kita sa loob ng 10-buwan.
- Latest