^

Police Metro

Kampanya laban sa illegal gambling pinaigting sa Caloocan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na makarating sa tanggapan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na may mga nakalulusot na sugal sa ilang lugar sa lungsod ay higit pa nitong pinaigting ang kampanya laban sa illegal gambling. 

Kasabay nito, inatasan din ni Echiverri si Caloocan City Chief of Police, Sr. Supt. Rimas Calixto na magsagawa ng operasyon sa iba’t ibang sulok ng lungsod upang maaresto ang mga taong sinasabing nagpapasugal.

Nakipag-ugnayan na rin si Echiverri kay Liga ng mga Barangay President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri upang atasan ang mga barangay officials na maghigpit sa kanilang nasasakupang lugar upang walang makalusot na ope­rator ng illegal gambling.

Bago ito, isang sumbong ang nakarating sa tanggapan ni Mayor Recom na nagsasabing may isang barangay na hindi natitigil ang illegal gambling na ang nagiging mga parukyano ay ang mga kabataan.

Nangako naman si Echiverri na hindi titigil ang kapulisan hanggang hindi nahuhuli ang mga operator ng illegal gambling.

BARANGAY PRESIDENT

CALOOCAN CITY CHIEF OF POLICE

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

COUNCILOR RICOJUDGE

ECHIVERRI

MAYOR RECOM

RIMAS CALIXTO

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with