^

Police Metro

Miyembro ng Alferez Group nadakip

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Alferez Group ang nadakip nang  salakayin ng mga pulis ang hideout nito sa Caloocan City kamakalawa.

Ang suspek ay nakilalang si Carmelo Soler, alyas Dudot, 41-anyos, tubong Oroquieta City, Misamis Occidental at naninirahan sa Veraville Subdivision, Bacoor City, Cavite.

Batay sa ulat, dakong 4:35 ng hapon nang maaresto ang suspek sa isa  sa mga hideout ng grupo,  na matatagpuan sa #4519 San Vicente Ferrer, Barangay 178, Camarin ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isa nilang asset na nakita  ang suspek na pumasok sa hideout ng Alferez Group.

 Nagsagawa nang pagsalakay ang mga pulis at naabutan nila ang suspek at nakumpiskahan ng isang caliber .38, M-16 rifle, mga bala  at isang hand grenade.

Matatandaan na noong Enero 30 ng taong kasalukuyang nang pasabugan ng granada at pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek ang isa sa mga hideout ng Alferez Group na matatagpuan sa Block 7, Lot 12, Catleya St., Deparo, Barangay  168 na naging dahilan ng pagkamatay ng isa sa mga miyembro ng sindikato na si Eduardo dela Cruz Nobleza “alyas Eddie”. Habang nakatakas naman sina  Diosdado Nobleza Alferez; Jimmy Parame at Jerry dela Cruz.

Kabilang sa mga kasong kinasasangkutan ng Alferez Group ang panghoholdap sa Union Bank-Makati (2003), Allied Bank-Vito Cruz (2005), Jewelry Robbery Hold-Up-Davao (2008), BPI-Commonwealth (2011) at iba pa.

ALFEREZ GROUP

ALLIED BANK-VITO CRUZ

BACOOR CITY

CALOOCAN CITY

CARMELO SOLER

CATLEYA ST.

CRUZ NOBLEZA

DIOSDADO NOBLEZA ALFEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with