Pinagalitan dahil sa laging nakikipag-away… ama todas sa pasaway na anak
MANILA, Philippines - Pinagsasaksak ng isang anak ang sarili nitong ama dahilan lamang sa paniÂnita sa madalas na pakikipagbasag-ulo nito naganap sa Brgy. Looc, Dumaguete City, Negros Oriental.
Namatay noon din dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rudolfo Catadman.Habang nasugatan ang mga pinsan na si Diesel at Diosolde Catadman na nagtangkang umawat sa pananaksak ng suspek na si Boy Catadman na agad din naaresto.
Batay sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi noong Huwebes ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama nang sitahin ng matandang Catadman ang anak na nakiÂpagsuntukan na naman sa kanilang lugar.
Ikinagalit umano ito ng suspek dahil muli na namang siyang pinagaÂlitan ng ama kung kaya’t isinalya niya ito at saka inundayan ng mga saksak ang sariling ama.
Kahit may tama ang matandang Catadman ay hinabol pa rin ito ng anak at tumangkang umawat ang magpinsan, subalit maging sila ay sinaksak din.
Nang maabutan ang ama ay muli itong piÂnagsaksak hanggang sa malagutan nang hininga.
Ikinatwiran naman ng suspek sa mga otoridad na galit siya sa kaniyang ama dahilan palagi siya nitong pinapalo noong siya’y bata pa.
Naghihinala naman ang mga kamag-anak ng suspek na gumagamit ito ng shabu kaya’t nagiging bayolente ito.
- Latest