^

Police Metro

Away sa negosyo ang motibo ng pagpatay sa negosyante

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na away sa negos­yo ang motibo ng pagbaril at pagpatay sa biktimang si Kelvin Tan, may-ari ng KT Builders Inc., at nakatira sa #16 8th St., New Manila, Quezon City at professional ang gunman dahil sa ulo nila ito binaril at tiniyak na patay ito nang iwan na nakabulagta sa loob ng kanyang sasakyan na To­yota  Altis noong Lunes ng umaga sa harap ng isang sangay ng Chinabank sa Madison St., San Juan City.

Ayon kay Supt. Remus Medina, hepe ng Intelligence Unit ng EPD, nakita nila sa kuha ng Closed Circuit Television na planado ang ginawang pagpatay sa biktima at  hindi man lamang nagha­lughog ang gunman sa loob ng sasak­yan ng biktima para hanapin ang pera na winidraw na
P800,000 sa sangay ng China bank sa Ortigas Avenue, Greenhills, San Juan.

Nakita sa CCTV ang gunman na nakasuot ng kulay violet na colored long-sleeve na barong na naglalakad at nasalubong pa nito ang biktima pabalik ng kanyang sasakyan at pagkaupo ay doon ito binaril. Tumawid ng kalsada at umangkas sa kanyang kasama na sakay ng motorsiklo at mabilis na tumakas ang gunman.

vuukle comment

BUILDERS INC

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

INTELLIGENCE UNIT

KELVIN TAN

MADISON ST.

NEW MANILA

ORTIGAS AVENUE

QUEZON CITY

REMUS MEDINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with