MANILA, Philippines - Nais ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpaliwanag ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, Malaysia hinggil sa pagkakabalam sa deportasyon ng itinuturong utak ng multi-billion investment scam na si Manuel Amalilio.
Sinabi ni Foreign Affairs Spokeman Raul Hernandez inatasan na ng DFA ang Embahada sa Malaysia na alamin ang dahilan ng pagkakabalam ng deportasyon ni Amalilio na nasa kustodya ng Malaysian Royal Police matapos na pigilin ito sa pagsakay sa eroplano pauwi sa Pilipinas noong Biyernes ng gabi dahil sa isyu ng teknikalidad.
Unang kinumpirma ni Ambassador Ed Malaya na isang Filipino citizen si Amalilio at may hawak na PhiÂlippine passport.
Si Amalilio ay naaresto ng Malaysian authorities sa Kota Kinabalu dahil sa paggamit o pagtataglay umano ng “fraudelent passport at documents†matapos na pumuslit pa-Malaysia noong nakalipas na taon nang sampahan ng kasong syndicated estafa ng libu-libong investors ng pinatatakbo nitong kumpanyang Aman Futures Group Philippines Inc.