^

Police Metro

9 Katao dedo sa ambush

Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dedo ang siyam na katao, kabilang ang isang pulis matapos ambusin ng armadong grupo ang sinasakyang truck ng mga biktima sa Negros Occidental, kahapon ng mada­ling-araw.

Ayon sa inisyal na ulat ng Negros Occidental Police, ang grupo ng mga armadong kalalakihan ay tinambangan ang sinasak­yang Canter truck ng mga biktima sa may paanan ng bundok Kanlaon, sa bayan ng La Castellana Negros Occidental, ganap na alas-3:00 ng madaling-araw.

Sinasabing papunta ang mga biktima sa pagdiriwang ng piyesta sa nasabing lugar para uma­lalay sa pagpapanatili ng katahimikan sa piyesta nang tambangan ng mga armadong suspek ang sinasakyang truck.

Isa sa mga nasawi ay kagawad ng Philippine National Police (PNP), limang miyembro ng Barangay Patrol Action Team (BPAT), dalawang sibil­yan at ang truck driver.

Dalawa pang pulis ang sinasabing sugatan at dinala na sa ospital para ma­gamot.

Hinala ng mga awtoridad na ang mga suspek na umatake sa mga biktima ay mga New Peo­ples Army (NPA) dahil may narinig na sigaw na “Mabuhay ang NPA” matapos ang insidente.

Nagsasagawa na ng checkpoint at manhunt operations ang awtoridad laban sa mga salarin.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY PATROL ACTION TEAM

DALAWA

LA CASTELLANA NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL POLICE

NEW PEO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with