Atong Ang, parak ipinapaaresto ng Manila RTC

MANILA, Philippines – Naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 175 laban kay Charlie “Atong” Ang at dating pulis na si Police Lieutenant Ryan Jay Orapa dahil sa pagkakasangkot sa kaso mga nawawalang sabungero.
Inilabas ng Mababang Hukuman ang warrant of arrest laban sa dalawa noon pang Oktubre 30, 2026 matapos na makitaan ito ng sapat na ebidensiya para mag-establisa ng probable cause.
May kinalaman ang kaso sa kidnapping at serious illegal detention na isinampa laban kina Ang at Orapa kaugnay nang pagkawala ng ilang sabungero sa Manila Arena.
Wala namang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng mga ipinaaarestong akusado.
Matatandaang si Ang ay kasalukuyan na ring pinaghahanap ng mga awtoridad matapos na tukuyin bilang respondent sa 10 bilang ng kasong kidnapping with homicide at 16 na bilang ng kasong kidnapping with serious illegal detention kaugnay pa rin ng kaso ng missing sabungeros.
- Latest















