^

Police Metro

Pekeng gun ban exemption permit kumakalat, binebenta sa halagang P1,200

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumakalat umano ang mga pekeng gun ban exemption permit na pirmado ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Kaya naman ay agad na nagbabala si Comelec Commissioner Elias Yusoph, Chairperson ng Comelec – Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel (CBFSP), na mag-ingat sa nasabing gun ban permits na may pekeng pirma niya na ibinebenta.

Ayon kay Yusoph, ang sinumang mahulihan na may dalang pekeng gun ban permit ay mahaharap sa  kasong falsification of public documents at makukulong  ng mula 6 hanggang 12 taon.

Sinabi ni Yusoph na ang orihinal na permit ay may watermark ng Comelec, dapat mayroong pirma niya, at maging sina Philippine National Police (PNP), General Miguel Antonio Jr., at Armed Forces of the Philippines (AFP) General Rodelio Santos.

Ang application fee aniya para sa permit ay nagkakahalaga ng P5,000 habang ang peke ay nabatid nilang pinababayaran ng halagang  P1,200.

Panawagan ni Yusoph sa publiko na sakaling may mag-alok na fixer ng permit, naka-uniporme man o pribadong indibidwal ay huwag paniwalaan at agad ireport sa Comelec.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER ELIAS YUSOPH

FIREARMS AND SECURITY PERSONNEL

GENERAL MIGUEL ANTONIO JR.

GENERAL RODELIO SANTOS

KAYA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

YUSOPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with