^

Police Metro

Nahuli sa aktong magkatabi sa kama… lover ni misis todas kay mister

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang 25-anyos na lalaki ng isang mister na nahuli na magkatabi sila sa kama  ng kinakasama nito na umano ay katatapos lang magtalik sa silid ng bahay nito sa Pasig City kahapon ng umaga.

Ang biktima na nasawi noon din ay nakila­lang si Mario Nanggan, construction worker at residente ng #240 M. H. Del Pilar St., Brgy. Palatiw, Pasig City.

Pinaghahanap naman na ng mga otoridad ang suspek na nakilalang si Paul Maga, 25, residente ng Brgy. Pinagbuhatan ng lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-7:45 ng umaga sa kuwarto ng kanyang bahay ay una na itong kinompronta ng suspek dahil sa nakakarating na balita na may relasyon sila ng kinakasamang si Juliet.

Ayaw sanang paniwalaan ng suspek ang mga naririnig na usap-usapan  kaya’t para malaman ang  katotohanan ay nagpasiya itong sekretong puntahan ang bahay ng biktima dakong alas-8:00 ng gabi noong Huwebes.

Doon lamang naniwala ang suspek na tunay nga ang balita sa kanyang mga naririnig nang pagpunta niya sa bahay ng biktima ay nakita na katabi nito sa kama ang kinakasamang si Juliet.

Nagkaroon ng komprontasyon ang suspek at biktima na nauwi sa suntukan na malaunan ay naawat naman ni Juliet.

Nagpasya naman ang suspek na umalis at nagbanta itong
ba­balikan ang biktima na isinagawa kahapon ng umaga.

vuukle comment

AYAW

BIKTIMA

BRGY

DEL PILAR ST.

HUWEBES

INATADO

MARIO NANGGAN

PASIG CITY

PAUL MAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with