6 tinedyer nailigtas sa hazing
MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga elemento ng pulisya sa tiyak na kamatayan ang anim na kabataan matapos nilang maaktuhang isinasailalim sa hazing rites ng isang fraternity sa isang bahay sa Brgy. Alijis, Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa.
Ang mga nasagip na biktima na nagkaka-edad 17 at 16 na hindi tinukoy ang mga pangalan bunga ng pagiging menor-de- edad na pawang residente ng lungsod na Silay, Victorias at Talisay; gayundin mula sa bayan ng Murcia at La Castellana ng nasabing lalawigan.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa mga opisÂyal ng barangay sa nasabing lugar bandang alas- 4:00 ng hapon hinggil sa kahina-hinalang presensya ng mga kabataan na magkakasunod na nagdatingan sa isang bahay sa ECC Villas sa lungsod.
Ilang oras pa ay nakaÂrinig ang mga ito ng mga pagdaing at paghiyaw ng mga pinahihirapang kabataan at sa puntong ito ay nagresponde naman ang mga operatiba ng pulisya at nahuli sa akto ang 30 miyembro at opisyal ng Alpha Kappa Rho o Akhro fraternity habang pinahihirapan ang anim na kabataan na kanilang hinahataw ng kahoy.
Nakaditine sa himpilan ng Police Station 7 ng Bacolod City Police ang mga naarestong lider ng fraternity na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan dahilan mga menor-de-edad.
- Latest