^

Police Metro

7 buwang buntis ginulpi, hinataw ng martilyo, pinalantsa at tinangkang sunugin ng ex-lover

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Grabe ang inabot na gulpi, pagplantsa at tangkang pagsunog sa isang 7 buwang buntis na ginang ng dati nitong lover naga­nap sa Quezon City kamakalawa.

Ang biktima na naka­ra­tay sa pagamutan ay na­ki­lalang si Monaliza Serpa, 19, residente ng Lower Nawasa, Purok 6, Brgy. Commonwealth ng lungsod.

Nagtamo ito ng mara­ming sugat sa ulo at katawan mula sa pagtadyak at pagpalo pa ng martilyo sa kanyang ulo ng dati nitong lover at ama ng kanyang pinagbubuntis na si Alexis Reyes, 38 ng Brgy. Cupang, Pandi Bulacan.

Naaresto ito sa isinagawang follow-up operation sa Baliuag, Bulacan.

Batay sa imbestigas­yon ng pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon noong Martes ay nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang suspek at humiling na sila ay muling magbalikan na tinanggihan ng una.

Nagalit ang suspek at pinagbubugbog niya ito at pinaghahampas ng mar­tilyo sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.

Hindi pa nakuntento ay kinuha pa ng suspek ang mainit na plantsa at  pinaso ang biktima sa suso at maselang parte ng katawan.

Pagkatapos ay kumuha ito ng isang bote ng gaas at ibinuhos sa biktima saka sinindihan ito para sunugin. Nang mawalan ng ulirat ang biktima ay tumakas ang suspek.

Nang dumating ang bayaw na si Ramil Sanico ay agad dinala ang biktima sa East Avenue Medical Center kung saan siya patuloy na inoobserbahan.

 

vuukle comment

ALEXIS REYES

BIKTIMA

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

LOWER NAWASA

MONALIZA SERPA

NANG

PANDI BULACAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with