^

Police Metro

Trak sinalpok ng jeep: 2 todas, 15 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pampasaherong jeep ang sumalpok sa nakaparadang 10 wheeler truck na ikinasawi ng dalawang babae habang 15 naman ang nasugatan naganap kamakalawa ng gabi sa highway sa Brgy. Juan Climaco Sr., Toledo City, Cebu.

Isa sa mga namatay ay kinilalang si Rosemary Bangkok, 44-anyos, residente ng lungsod habang inaalam ang pangalan ng isa pa.

Dinala naman ang 15 nasugatan sa Toledo District Hospital bago ang mga ito inilipat sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.

Batay sa ulat ng pulis­ya, bandang alas-7:00 ng gabi ay binabagtas ng pampasaherong jeep­ney na minamaneho ni Edelmar Alester, 29-anyos nang aksidente itong bumangga sa nakapara­dang 10 wheeler truck sa tabi ng highway.

Nabatid na masyado umanong mabilis ang takbo ng jeepney at hindi nakita ang nakaparadang truck kaya’t tuloy-tuloy itong sumalpok.

Magugunita na kama­kailan lamang ay 11 katao ang nasawi habang 48 naman ang nasugatan makaraang araruhin ng isang trailer truck ang isang pampasaherong bus sa Brgy. Uling, Naga City, Cebu.

vuukle comment

BRGY

CEBU

CEBU CITY

EDELMAR ALESTER

JUAN CLIMACO SR.

NAGA CITY

ROSEMARY BANGKOK

TOLEDO CITY

TOLEDO DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with