^

Police Metro

Kung naging parehas lang si Enrile wala sanang kontrobersiya-Angara

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung naging parehas lamang umano si Senate President Juan Ponce Enrile sa 23 senador sa pamamahagi ng kontrobersiyal na karagdagang  Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ay wala na sanang kuwestiyon pa.

Ito ang sinabi ni Senator Edgardo Angara na dati ring naging Senate President at inamin na nakagawian na ang pamimigay ng karagdagang MOOEs sa bawat miyembro ng Senado pero nga­yon lamang nagkaroon ng kuwestiyon tungkol dito.

Sinabi ni Angara na posibleng ginawa rin niya ang nasabing pamimigay ng karagdagang MOOE pero otorisado naman umano ito at maituturing na isang “honored tradition”.

Pero, ito umano ang unang pagkakataon na nalaman ni Angara na hindi pantay ang naging distribusyon ng karagdagang MOOE.

Kabilang sa mga hindi nakakuha ng pantay na MOOE ay sina Senators Miriam Santiago, Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Antonio Trillanes IV.

Pero, wala rin naman aniyang mali kung hindi naging pantay ang distribusyon dahil “judgement call” ito ng Senate President.

 

vuukle comment

ANGARA

ANTONIO TRILLANES

MAINTENANCE AND OTHER OPERATING EXPENSES

PERO

PIA CAYETANO

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

SENATE PRESIDENT

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SENATOR EDGARDO ANGARA

SENATORS MIRIAM SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with