2 patay, 4 sugatan... House blessing niratrat, pinasabugan
MANILA, Philippine s- Nabahiran ng dugo ang isinagawang house blessing nang ito ay paulanan ng bala at hagisan pa ng granada ng tatlong lalaki na sakay ng tig-iisang motorsiklo na ikinasawi ng dalawang katao at pagkasugat ng 4 na iba pa naganap kamakalawa ng gabi sa Bocaue, Bulacan.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Mario Mendoza na binawian ng buhay sa Dr. Yanga Hospital at alyas Goymon na namatay noon din na pawang residente ng Brgy. Caingin, Bocaue ng lalawigan.
Kinilala naman ang mga nasugatang sina Valerio Nicolas, Raul SaÂmonte, Alberto Alberto at Reynaldo de la Cruz.
Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay kaÂtaÂtapos lang ipa-house blessing ni Mendoza ang kanyang bahay na mataÂtagpuan sa Depo St., Brgy. Caingin at kasunod noon ay nagkaroon ng inuÂman at kainuman bilang bahagi ng kasiyahan.
Ilang sandali ay bigÂla na lamang sumulpot ang mga suspek na lulan ng tatlong motorsiklo at agad pinaulanan ng bala ang mga nag-iinuman sa compound ng bahay ni Mendoza at pagkatapos ay naghagis pa ng granada bago nagsitakas patungo sa direksyon ng Mac Arthur Highway.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at sino ang mga suspek.
- Latest