Presyo ng LPG inirolbak
MANILA, Philippines - Isang magandang Bagong Taon ang pasalubong ng LPG Marketer’s Association sa publiko sa kanilang ipapatupad na bawas presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) eksakto alas-12:01 ng hatinggabi upang maging buwenamanong pampabuwenas lalo na sa mga ina ng tahanan.
Sinabi ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty, nasa P2 kada kilo o P22 kada 11-kilong tangke ang kanilang ibababa na inaasahang positibong tatanggapin ng bawat tahanan na taliwas na ipinatupad kamakailan ng mga kumpanya ng langis na dagdag-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.
Papalo na lamang sa P648 hanggang P778 pagsapit ng 2013 ang kada 11-kilo ng tangke ng LPG buhat sa dating P670 hanggang P800 kada tangke.
Masusundan pa ang rolbak sa mga susunod na araw sa taong 2013 dahil sa patuloy na pagbaba sa contract price ng LPG sa internasyunal na merkado.
- Latest