^

Police Metro

Nagpasabog sa bahay ng mayor, napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis ang isa sa mga  suspek na nasa likod ng pagpapasabog sa bahay ng mayor sa lalawigan ng Sultan Kudarat, habang nadakip ang isang kasama nito kamakalawa.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulis­ya ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek matapos na walang marekober na anumang pagkakakilanlan.

Habang ang nasakoteng kasama nito ay nakilalang si Nasser Abdullah, 40-anyos, residente ng Kabacan, North Cotabato at nakumpiskahan ng isang cal .45 pistol at granada.

Sa ulat ni Sr. Supt. Juny Buenacosa, Director ng Tacurong City Police, bandang alas-7:45 ng gabi nang makipagbarilan sa mga pulis ang dalawang suspek na tinugis ng mga ito matapos nilang ha­gisan ng granada ang compound ng bahay ni Mayor Emilio Salamanca sa President Quirino, Sultan Kudarat.

Nagkataon namang nasa labas ng bahay ng alkalde ang mga bodyguard at mabilis na hinabol ang mga suspek at tumulong rin sa pagtugis ang mga nagrespondeng elemento ng pulisya na humantong sa shootout.

Habang tinutugis ay naghagis ng isa pang granada ang mga suspek na sumabog na ikinasugat ng sibilyang si Jona Parenio.

Sa kasagsagan ng shootout ay napatay ang isa sa mga suspek  habang sumuko naman ang kasamahan nito nang makor­ner ng mga operatiba ng pulisya habang nag­kukubli sa lugar.

Nasugatan din sa shootout ang dalawang security escort ni Salamanca na sina Nilo Malcontento at Junfer Icalina.

HABANG

JONA PARENIO

JUNFER ICALINA

JUNY BUENACOSA

MAYOR EMILIO SALAMANCA

NASSER ABDULLAH

NILO MALCONTENTO

NORTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with