^

Police Metro

7 arestado sa illegal na paputok

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto ng pulisya ang 7 katao matapos na masamsaman ng bultu-bultong mga ipinagbaba­wal na paputok sa isinagawang serye ng raid sa lalawigan ng Laguna at Cavite, kamakalawa.

Iniulat ni Laguna Pro­vincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Pascual Munoz, dakong alas-7:30 ng gabi nang ma­aresto ang suspek na si Jeffrey Ambayec, 29, sa bahay nito sa Brgy. Console III, San Pedro, Laguna matapos ireklamo ng kaniyang mga kapitbahay na sangkot sa pagbebenta ng mga malalakas at mapanganib na paputok sa kanilang lugar.

Inaresto si Ambayec sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte na nagresulta sa pagkaka­samsam ng P 500,000 ha­laga ng piccolo, Goodbye Philippines at iba pang uri ng bawal na paputok.

Nasakote rin sa raid sa Brgy. Bucandala III sa Imus City, Cavite bandang alas-4:30 ng hapon ang anim na suspek na sina Rowena Oliver, Rudy dela Paz, Zaldy Saliva, Gerry Oliver, John Michael Abod  at Cris Mark Cabug­nason na nasamsaman  ng 100 kilo ng kulay itim na pulbos na pangunahing sangkap sa paggawa ng il­legal na paputok.

BRGY

CAVITE

CRIS MARK CABUG

DIRECTOR P

GERRY OLIVER

GOODBYE PHILIPPINES

IMUS CITY

JEFFREY AMBAYEC

JOHN MICHAEL ABOD

LAGUNA PRO

PASCUAL MUNOZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with