^

Police Metro

Trader inutas, gunman todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 50-anyos na negosyante ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang gunman na napaslang din sa pakikipagbarilan sa isang nagrespondeng pulis kamakalawa sa Brgy. Poblacion 1, Carcar City, Cebu.

Ang nasawing negosyante ay kinilalang si Mario Gilberto Alejado, may-ari ng  coconut lumber at isang tindahan.

Patuloy namang ina­alam ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek na sakay ng motorsiklo.

Batay sa report ng Carcar City Police, naganap ang insidente pasado alas-9:00 ng umaga  habang pasakay na sa kaniyang multicab si Alejado matapos bumili ng mga patuka para sa kaniyang Agrivet Store.

Dito ay bigla na lamang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang biktima na bumulagta sa kalsada.

Nagkataon namang nasa di kalayuan ay naroon ang pulis na si Ins­pector William Alicaba, Deputy Officer for Admi­nistration ng Cebu City Police Office Intelligence Branch na nasaksihan ang krimen kung kaya’t agad nitong binunot ang kaniyang cal. 40 pistol at pinasusuko ang suspek matapos na magpakilalang pulis.

Gayunman, nanlaban ang suspek at pinaputukan si Alicaba na  hindi tinamaan kaya’t gumanti ito ng putok at tinamaan ang suspek.

Naniniwala naman ang pulisya na miyembro ng gun for hire ang suspek matapos na marekober sa bangkay nito ang dalawang armas na kinabibilangan ng 9 MM pistol na may pitong bala at isang cal 38 revolver na may 14 bala.

Dalawang anggulo ng pagpatay ang sinisilip ng mga otoridad, una ay posibleng may nakaaway ang biktima at alitan sa negosyo.

vuukle comment

AGRIVET STORE

ALEJADO

ALICABA

BATAY

CARCAR CITY

CARCAR CITY POLICE

CEBU CITY POLICE OFFICE INTELLIGENCE BRANCH

DEPUTY OFFICER

MARIO GILBERTO ALEJADO

WILLIAM ALICABA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with