^

Police Metro

Lola tigok sa sunog sa simbahan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 70 anyos na lola makaraang makulong sa isang nasusunog na simbahan ng isang sekta ng relihiyon sa Brgy. Sta Lucia, Dolores, Quezon kamakalawa umaga.

Kinilala ang nasawing matanda na si Lily Lagura, residente ng  Brgy. Sta Lucia ng bayang ito.

Ang bangkay ng matanda ay narekober dakong alas-11:00 ng umaga  nitong Biyernes na halos hindi na makilala sanhi ng grabeng pagkatupok ng katawan nito.

Sa imbestigasyon ng Quezon PNP, bandang alas -9:30 ng gabi nang tupukin ng apoy ang simbahan ng Centro General Building ng Iglesia del Ciudad Mistika de Dios, isang religious compound ng Suprema Isabel Suarez sa naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing natumbang kandila ang sanhi ng sunog na tumupok sa simbahan na ang itinuturing na Santo ay ang pambansang bayaning si Gat. Jose Rizal. Tinatayang nasa P15-M halaga ng ari-arian ang naabo sa naganap na sunog.

vuukle comment

BIYERNES

BRGY

CENTRO GENERAL BUILDING

CIUDAD MISTIKA

DIOS

JOSE RIZAL

LILY LAGURA

QUEZON

STA LUCIA

SUPREMA ISABEL SUAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with