‘Mga bagong bayani’ dumating sa bansa
MANILA, Philippines - Itinuturing ng pamahalaan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na mga bagong bayani dahil sa kanilang malaking tulong sa ekonomiya ng bansa.
Kaya naman sa pagdating nila noong Huwebes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, Pasay City ay mainit silang sinalubong nina Pangulong Noynoy Aquino III at Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rosano “Ruffy” Biazon.
Ang mga OFWs na itinuturing na mga bagong bayani ay binigyan ng halaga nina Aquino at Biazon dahil malaki ang kanilang naging papel at naiambag upang umangat at lumakas ang ekonomiya ng Pilipinas na taunang umuuwi upang dito nila ipagdiwang ang Kapaskuhan.
Malaki ang nagiging tulong ng mga OFWs na dumarating sa bansa dahil sila ang nagpapasok ng mga dolyares na kung saan sa tuwing buwan ng Disyembre ay tumaas ang pagpasok ng dolyar.
Bukod kina Aquino at Biazon kasama din sa mga sumalubong ang ilang government officials na namigay ng mga gift pack para sa mga dumating na OFWs.
- Latest