^

Police Metro

Mindanao niyanig ng magnitude 5.8 lindol

Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Niyanig kahapon ang ilang lalawigan sa  Minda­nao na may lakas na magnitude 5.8  lindol  kahapon ng alas- 5:45 ng umaga.

Ayon kay Director Re­nato Solidum ng Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) naitala ang sentro ng lindol sa layong 65 ki­lometro timog-silangan ng Malita, Davao del Sur na may lalim na 32 kilometro at tectonic  ang origin nito.

Bunsod nito, naramda­man ang lakas ng lindol sa Intensity 4 sa Mati, Da­vao Oriental habang Intensity 3 sa General San­tos City; Digos City at Manay sa Davao Oriental, Intensity 2 naman sa Koronadal, South Cotabato.

Makaraan nito, nasundan naman ng pagyanig na may magnitude 2.4 ganap na alas-5:59 kahapon ng umaga sa Davao Oriental pagkatapos ay nakapagtala naman ng  magnitude 3.5 na lindol ganap na alas-8:18 kahapon ng umaga sa nabanggit ding lugar na  may lalim na 23 kilometro, mas mababaw kumpara sa 32 kilometro sa dalawang naunang pag­yanig.

Intensity 3 naman ang naramdaman sa General Santos City; Digos City, Manay, Davao Oriental; Tagum, Davao Oriental; at Padada, Davao del Sur at Intensity 2 sa Koronadal, South Cotabato; Matalam, North Cotabato; Bislig City.

BISLIG CITY

DAVAO

DAVAO ORIENTAL

DIGOS CITY

DIRECTOR RE

GENERAL SAN

GENERAL SANTOS CITY

KORONADAL

MANAY

SHY

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with