^

Police Metro

2 UPLB student nalunod

Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay sa pagkalunod ang dalawang estudyante ng University of the Philippine-Los Baños  (UPLB) na natagpuang patay noong Miyerkules ng hapon sa kagubatan ng Los Baños.

Ayon kay Superintendent Roy Camarillo, chief medical legal ng  Regional Crime Laboratory 4A na ang dahilan ng pagkamatay nina Mark Lorenz Valdes at Kevin Lagadon, kapwa 18-an­yos ay pagkalunod.

Walang nakitang sugat sa katawan na gawa ng hazing at walang pa­latandaan na pinatay ang mga ito maliban lang sa mga galos sa kanilang katawan, hita at mga braso.

Ayon pa  kay Camarillo na isa sa magulang ng nasawi ay nasaksihan ang ginagawang pag-otopsiya ng Scene of Crime Operatives team sa bangkay ng kanyang anak.

“Hindi rin nakitaan na may naganap na foul play sa mga biktima at ang mga galos na nakita sa katawan sanhi ng pag-aagnas ng kanilang mga baga lumobo dahil sa napasukan ng tubig at hinihinalang may dalawa o tatlong araw nang patay ang mga ito bago sila natagpuan.” pahayag ni Camarillo.

Ayon naman kay Senior Superintendent Fausto Manzanilla, Laguna police director, na si Valdez, 3rd years college sa kursong B.S Nutrition at si Lagadon, 3rd years college sa kursong Computer Science, kapwa UPLB students ay natagpuang nakalutang sa  tubig malapit sa maliit na talon sa loob ng forestry compound sa Mount Makiling, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna pasado alas-2:45 ng hapon noong Miyerkules.

Ayon pa kay Manzanilla na ang katawan ng mga biktima ay naaagnas nang matagpuan ng grupo ng hikers sa pangunguna ng isang Denver Noveno, ng Barangay San Antonio na siyang nag-report sa mga otoridad.

Ikinukunsidera ni Manzanilla na sarado na ang kaso dahil sa pagkalunod ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito at walang sangkot na sinumang tao sa pangyayari. -Ed Amoroso, Joy Cantos-

AYON

BARANGAY BATONG MALAKE

BARANGAY SAN ANTONIO

CAMARILLO

COMPUTER SCIENCE

DENVER NOVENO

ED AMOROSO

JOY CANTOS

LOS BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with