Batang babae hinalay, binigti ng adik

MANILA, Philippines - Isang hubo’t hubad na bangkay ng batang babae ang natagpuan sa tabi ng kalsada sa Kawit, Cavite kahapon ng umaga.

Walang nakuha na pagkakakilanlan sa bangkay ng  batang babae na tinatayang nasa 7-anyos pataas.

Batay sa ulat, dakong alas-7:15 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng isang basurero na malapit sa  fishpond sa Fatima Highway, Brgy. Congbalay ng nasabing  bayan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya na maaaring pinatay ang bata sa pagbibigti dahil sa  nakatali pa sa leeg nito ang isang lubid, marami din pasa ang mukha at katawan ng bata na hinihinalang nakaranas ng matinding paghihirap sa kamay ng hindi pa kilalang mga suspek.

Malaki ang posibilidad na hinalay ang bata dahil sa may dugo ang ari nito na kagagawan ng isang adik.

Nakipagtulungan ang pulisya sa mga katabing barangay at bayan kung may inuulat na nawawalang bata sa kanilang lugar.

Show comments