^

Police Metro

Kelot binasted sa text, nagbigti

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - “Mahal kita bilang kaibigan”…

Ito ang hindi matanggap na text message ng isang lalaki sa nililigawang babae kaya’t ipinasya na lamang nitong wakasan ang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti sa tinutuluyang gusali kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang biktima ay kinila­lang si Leo John Gamora, 22, salesman at stay-in employee sa CAC Superstore building na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA sa Barangay Balintawak, sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang matagpuang nakabigti ang biktima sa ikalawang palapag ng entrance ng CAC ng kasamahang si Jovit Barabicho.

Ayon kay Barbicho, bagong empleyado lamang ang biktima sa nasabing gusali na huling niyang nakitang buhay noong Martes ng gabi at ikinuwento nito bago sila matulog tungkol sa pakikipaghiwalay niya sa kanyang nobya at panliligaw naman sa isang babae na nanunuluyan din sa nasabing gusali na bumasted sa kanya.

 

AYON

BARANGAY BALINTAWAK

BARBICHO

BATAY

BIKTIMA

JOVIT BARABICHO

LEO JOHN GAMORA

QUEZON CITY

SUPERSTORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with