^

Police Metro

Lolo na may lung cancer nagbaril, dalaga na may sakit na lupus at trader nagbigti

Lordeth Bonilla, Ricky Tulipat, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Sorry hindi ko na kaya salamat sa mga kapatid Vicky, Ding, Jun, Lilly, mga apo ko, lalong lalo si Let Llavis.”

Ito ang iniwang suicide note ng 72-anyos na si Eduardo Taverna, ng Brgy. 4, Caloocan City matapos itong magbaril sa sentido dahil sa hindi makayang sakit na lung cancer kahapon ng alas-3:00 ng madaling-araw.

Nagbigti naman ang biktimang si Meldie Cabudbod, 20, stay-in helper sa bahay ng isang Cholen Awitan dahil sa labis na depresyon sa dinadala umanong sakit na Lupus kahapon sa Quezon City.

Nabatid na dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktimang nakabitin sa kanyang kuwarto ng isang Aling Carmelita.

Sa labis rin depresyon sa nangyayari sa buhay ang dahilan nang pag­bibigti ng biktimang si Arnel Quintong, 37, ng OASIS Condomi­nium, 414 Bldg. 4, Surabaya Oasis Marcos, Highway, Barangay
Dela Paz, Pasig City sa rooftop ng tinitirhang condominium tower sa Pasig City kahapon ng alas- 4:45 ng madaling araw.

Nauna rito, inutusan pa umano ng biktima ang kanilang katulong na ibigay ang kanyang cell phone sa kanyang misis sa sandaling dumating
ito ng bahay at sinabi na ipabasa ang mensahe sa kanyang cell phone na may sorry note.

Pag-uwi ng ginang at pagkabasa sa mensahe sa cell phone ay kaagad nitong hinanap ang mister na natagpuan nilang nakabigti.

 

ALING CARMELITA

ARNEL QUINTONG

CALOOCAN CITY

CHOLEN AWITAN

DELA PAZ

EDUARDO TAVERNA

LET LLAVIS

MELDIE CABUDBOD

PASIG CITY

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with