^

Police Metro

Mga bangkay inihulog sa poso negro… pamilya, 4 minasaker

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang sinaniban ng demonyo ang isang 18-anyos na lalaki nang pagtatagain nito ang apat na miyembro ng isang pamilya na umampon sa kanya naganap kahapon ng umaga sa Cagayan De Oro City.

Ang mga nasawi ay ang mag-asawang Christopher at Sumagang Lastimosa, kapwa 34-anyos at mga anak nilang sina Christian, 8-anyos at Charlie, 6-anyos.

Sinabi ni Sr. Inspector Ritchie Yandog, hepe ng Station 7 ng Cagayan de Oro City Police na ang bangkay ng pamilya ay  narekober sa septic tank sa pagitan ng alas-11:00 hanggang alas-12:00 ng tanghali, ilang oras matapos maganap ang krimen kahapon ng umaga at pinutulan ng dalawang kamay si Christopher para magkasya sa septic tank.

Agad din naaresto ang suspek na kinilalang si Arman Abuyin, 18-anyos na nakikitira lamang sa pamil­ya Lastimosa.

May bakas pa ng dugo ang katawan, may sugat ang mga kamay at marumi pa ang buong  katawan ng suspek nang ito ay maaresto.

Nabatid na natuklasan ang krimen nang isa umanong kamag-anak ni Sumagang ang tumawag sa bahay nito dahilan sa isang importanteng transaksyon, subalit walang sumasagot kaya pinuntahan na lamang nito ang bahay.

Pagdating sa bahay ay  nakita nito ang nagkalat ng mga dugo sa salas hanggang sa may kusina at nakita nito ang suspek na si Abuyin sa likod bahay malapit sa isang lumang septic tank na pinaghulugan nito sa bangkay ng pamilya.

Agad namang humingi ng tulong ang kamag-anak ni Sumagang sa mga kapitbahay ng pamilya Lastimosa at inireport ang insidente sa pulisya na naging maagap sa pag-aresto sa suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon, mabigat umano ang problemang pinansyal ng suspek matapos nitong maisangla ang kaniyang bahay dahilan sa bisyo at na­­kikitira na lamang ito sa bahay ni Christopher na palagi pa nitong inuutangan ng pera.

vuukle comment

ABUYIN

ARMAN ABUYIN

BAHAY

CAGAYAN DE ORO CITY

LASTIMOSA

LUMALABAS

ORO CITY POLICE

SR. INSPECTOR RITCHIE YANDOG

SUMAGANG

SUMAGANG LASTIMOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with