^

Police Metro

4 holdaper dedbol sa barilan

Doris Franche-Borja at Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na holdaper na sakay ng dalawang motorsiklo ang napatay sa magkahiwalay na shootout   sa Sta.Cruz, Maynila at Biñan, Laguna, naganap kahapon ng madaling-araw.

Sa Maynila, inilarawan ang dalawang suspek na kapwa nasa pagitan ng 30-35-anyos, may taas na 5’6”, ang isa ay naka­suot ng asul na t-shirt at maong pants, habang ang isa ay  kulay maroon na t-shirt.

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling-araw ay nagsasagawa ng pagpapatrulya sa kanto ng Felix Huertas at Ba­tangas Sts., Sta. Cruz, May­ni­la sina SPO3’s Ro­well Robles at Anthony Carpio; SPO1 Alex Moreno at  PO3 Nestor Lehete­mes Jr., ng MPD-Station 3 sakay ang Mobile car 3306 nang may biglang bumaril sa kanilang sasakyan at tinamaan ang windshield, kaya’t gumanti ng putok ang mga pulis at bumulagta ang dalawang suspek.

Nabatid na ang dalawang napatay na suspek ay unang hinoldap ang dalawang vendor na sina Adoracion Dela Cruz, 44, ng Tondo, Maynila at Gina Manimtim na kinuha ang kanilang mga bag na naglalaman ng P8,000 cash at Nokia cell phone habang naglalakad.

Narekober sa mga suspek ang pouch bag ng mga biktima, isang 9mm at kalibre 38 na baril na hinihinalang ginamit sa panghoholdap at pamamaril sa mga pulis.

Napatay din ng Laguna police ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa isang shootout kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Brgy.Tubigan, Biñan, Laguna.

Ayon kay Laguna po­lice director, Senior Su­pe­rintendent Fausto Manzanilla, na kasalukuyan ay wala pang pagkaka­kilanlan sa mga napatay na suspek na nasamsaman ng dalawang caliber .38 pistol, Yamaha motorcycle (RD-7100), plastic sachet ng  shabu at sketch map ng kanilang bibiktimahin na mga tao at establisyimento.

Nabatid kay Manzanilla na ang dalawang suspek ay sakay ng  kanilang motorsiklo nang baliwalain ang police checkpoint sa kahabaan ng Barangay Tu­bigan pasado alas-2:20 ng madaling-araw kung kaya’t hinabol ang mga ito.

Malaki ang paniniwala ng pulisya na patungo ang mga suspek sa target nilang biktima nang ito ay maharang na ikinagalit ng mga ito kung kaya’t binaril ang mga humahabol na pulis at nagkaroon ng palitan ng putok.

vuukle comment

ADORACION DELA CRUZ

ALEX MORENO

ANTHONY CARPIO

BARANGAY TU

CRUZ

DALAWANG

FAUSTO MANZANILLA

FELIX HUERTAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with