^

Police Metro

2 Chinese, mag-live in tiklo SA P12-M shabu

Ni Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga otoridad ang isang mag-live in at dalawang Chinese sa isang shabu buy bust operation kahapon ng hapon sa San Juan City.

Nakumpiska sa mga suspek na kinilalang sina Wang Yong Ji, 30, at Dong Sin Chen, 29, kapwa tubong Fukien, China, at nanunulu­yan sa F.B. Harrison St. Pasay City at mag-live in na sina Bryan Legro, 29, at Juveline Mista, 25, kapwa
residente ng Pena St., Dau, Mabalacat, Pampanga ang 2 kilo na high grade shabu na nagkakahalaga ng P12 milyon na nakuha sa sasakyan ng dayuhan na Su­baro (XKV-819).

Batay sa ulat ni Eastern Police District (EPD)- District Anti-Illegal Drug Special Operation Task Force (DAIDSOTF) chief P/Senior Insp. Virgilio Santiago, dakong 12:30 ng tanghali nang maaresto ang mga dayuhan sa Club Filipino Safe, North Greenhills, San Juan City.

Kasamang naaresto ang mag-live in dahil nandoon ang mga ito at bumibili ng 1 kilo ng shabu sa mga Intsik para  dalhin sa Pampanga at doon naman ibenta.

Nabatid na isang linggo munang minanmanan ng mga otoridad ang dalawang Chinese matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa illegal na operas­yon ng mga ito.

Nakipag-transaksiyon din umano sa mga otoridad, gamit ang budol o marked money na nagkakahalaga ng P20,000 para bumili ng limang kilong shabu.

 

 

vuukle comment

BRYAN LEGRO

CLUB FILIPINO SAFE

DONG SIN CHEN

DRUG SPECIAL OPERATION TASK FORCE

EASTERN POLICE DISTRICT

HARRISON ST. PASAY CITY

JUVELINE MISTA

NORTH GREENHILLS

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with