^

PM Sports

Clippers tustado sa Suns

Pang-masa

PHOENIX — Kumamada si Jordan Goodwin ng 18 points sa kanyang pagbabalik mula sa isang calf injury, habang may 17 markers si Devin Booker sa 133-110 pagtusta ng Suns sa Los Angeles Clippers.

Kumonekta ang Phoenix (4-6) ng 22 three-point shots at may pitong players na umiskor sa double digits.

Nag-ambag si Luke Kennard ng 14 points at may 13, 12 at 11 markers sina Fil-Am Jalen Green, Collin Gillespie at Khaman Maluach, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan nina Rui Hachimura, Baba Miller at Darius Garland ang Los Angeles (2-8) sa kanilang tig-13 points kasunod ang 12 markers ni Max Strus.

Itinayo ng Suns ang isang 17-point halftime lead bago ito pinalobo sa 91-59 sa huling apat na minuto sa third quarter.

Bigo ang Clippers na malangoy ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Sa iba pang laro, pinatumba ng New York Knicks ang Milwaukee Bucks, 117-85; panalo ang Boston Celtics sa Philadelphia 76ers, 123-101; sinunog ng Miami Heat ang Utah Jazz, 115-109; at pinabagsak ng Orlando Magic ang Sacramento Kings, 107-100.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with