^

PM Sports

Rest time muna para kay Alex

Chris Co - Pang-masa
Rest time muna para kay Alex
Alex Eala

MANILA, Philippines — Matapos ang WTA Tour season, walang ibang nasa isip si Alex Eala kundi ang makapagpahinga.

Makulay na tinuldukan ni Eala ang 2026 season matapos masungkit ang runner-up trophy sa katatapos na Hong Kong Open na ginanap sa  Victoria Park Tennis Stadium.

Yumuko si Eala kay American Claire Liu sa finals sa pamamagitan ng 3-6, 0-6 desisyon para magkasya lamang sa runner-up.

“I mean, wrapping up this year, you guys do not know how much meaning you add on top of what I do and how much of a pleasure it is to go about my life sharing these moments with you all. So I’m forever grateful,” ani Eala.

Subalit pinakama­laking tagumpay nito ang pagsampa sa bagong career-high No. 15 sa WTA ran­kings.

“It’s insane. Like, I didn’t, I don’t know, I did not know that was in the cards for me. To end the year at No. 15. It’s crazy,” ani Eala.

Hindi biro ang pinagdaanan ni Eala sa taong ito dahil kaliwa’t kanang torneo ang nilahukan nito sa WTA Tour kasama pa ang 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.

Dumalo pa si Eala sa dalawang fashion week — New York Fashion Week at Paris Fashion Week.

 Kaya naman wala itong ibang nasa isip kundi ang makapagpahinga kasama ang kanyang pamilya.

“I’m going to spend time with my family. Yeah, just lay low, disappear for a little bit. And then yeah, those are my plans. Just to disappear,” ani Eala.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with